Robin, tinukoy ang 10 sa 11 babaeng inibig niya

Mga imahe mula sa Facebook pages nina Sharon Cuneta, Ms. Kris Aquino And Mr. Robin Padilla, Star Cinema, at Pinoy Movies

Tinukoy ng aktor na si Robin Padilla ang sampu sa 11 babae na minahal niya.

Ayon sa Abante, bagama’t hindi na kailangang tanungin, ang nangunguna sa ngayon ay ang asawa ng aktor na si Mariel Rodriguez at sila’y may isang anak, si Baby Isabella.

Sumunod ay si Liezl Sicangco, ang ina ng kanyang apat na supling na sina Queenie, Kylie , Zsen Zsen, at Ali.

Pangatlo ay si Leah Orosa na ina naman ni Camille.

Pang-apat ay si Jobelle Salvador. Wala siyang anak dito ngunit inako niya ang responsibilidad bilang ama ng anak nito.

Pang-lima ay si Megastar Sharon Cuneta, na kung tawagin niya ay Ma’am Sharon.

Sa labis daw na pagmamahal niya rito noon ay nagpa-tattoo pa siya sa dibdib ng “Sharon, I will die for you.” Dapat daw ay magpapakasal na si Cuneta kay Padilla ngunit nalaman nitong nabuntis ng aktor si Liezl Sicangco. Ang batang iyon ay ang panganay nilang si Queenie.

Pang-anim ay si Kris Aquino.

Pang-pito ay si Vina Morales.

Pang-walo ay si Jolina Magdangal. May tsismis pa noon na muntik na raw niyang itanan ang aktres.

Pang-siyam ay si Ruffa Gutierrez.

Pang-sampu  si Melissa Perez Rubio.

Kasama sa mga na-link kay Robin noon sina Judy Ann Santos, Dolly Anne Carvajal, Lani Lobangco, at Sylvia Sanchez. Posible kayang isa sa kanila ang pang-11? Napabalita rin na nanligaw si Padilla kay Maricel Soriano ngunit hindi naging sila.

Samantala, sa isang panayam kay Padilla, siniguro nito na tinuldukan na niya ang posibilidad na magkaroon pa siya ng panibagong babae na mamahalin. Ang kanyang asawang si Mariel na raw ang huling babae sa buhay niya.

Loading...