‘RYCB forever!’ Claudine, binisita ang puntod ng dating ka-love team at kasintahan na si Rico

Mga imahe mula sa Instagram accounts nina @ricoyanclaudine at @claubarretto

Kahit halos dalawang dekada na ang dumaan buhat noong pumanaw ang aktor na si Rico Yan ay nananatili pa rin siyang bahagi ng buhay ng kanyang dating ka-love team at ex-girlfriend na si Claudine Barretto.

Sa Instagram, ibinahagi ni Claudine ang ilan sa mga larawang kuha mula sa pagbisita niya sa puntod ni Rico. Kasama pa ng aktres ang ilang kaanak, kabilang na ang bunso niyang anak at ang kapatid ng aktor na si Tina Marie Yan.

“My sister @tinamarieyan is home from the States. Visited RY earlier,”  ani Claudine sa caption ng mga larawan na ibinahagi niya noong hapon ng Sabado, Pebrero 17.

My sister @tinamarieyan is home from the states.visited RY earlier ❤️❤️

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

“See you tonight, Claude! You like my flower arrangement? Hahahah! Feeling florist. Lol! Made with love naman,” komento ni Tina. Sa Instagram story ni Claudine kinagabihan, nag-good night sila sa mga follower at ikinuwento na may slumber party  silang dalawa.

Tuwang-tuwa ang mga tagahanga nina Claudine at Rico sa simpleng reunion ng mga taong nagmamahal sa aktor. Masayang-masaya rin sila dahil halatang pinahahalagahan pa rin ng aktres ang dati nitong kasintahan.

“Wow, gandang tingnan na magkasama kayo sa family ni Rico. We are so happy,” ani @kristiljill_ig.

“Ganda ng sisters at nieces ni Rico. Sayang sana nagkaroon kayo ng anak ni Rico, Clau. Sana pinangalan mo kay Bunso mo, Rica,” wika ni @mamangconstantino.

“Dami pa rin nagmamahal sa RYCB,” sabi ni @iamnorzsoliva.

“‘Yan po ang nakakapagpasaya sa mga taong patuloy na nagmamahal kay RY. RY will always be remembered. Kami nga po na mga fans patuloy pa rin siyang inaalala,” kumento ni @vannehxii01.

Marami rin ang nag-comment ng “Forever RYCB.”

Kamakailan ay inamin ni Claudine na hanggang sa ngayon ay palagi pa rin niyang dala-dala sa puso niya ang bigat na dulot ng pagkawala ni Rico.

“Hanggang ngayon dala-dala ko because I never really grieved. I just really kept on working and working. I wanted to tire myself para pag-uwi ko tulog na lang, hindi ko na maisip iyong pagkamatay ng boyfriend ko, ng ex-boyfriend ko. Ang gusto ko lang mapagod. Hindi pa talaga ako nakapag-rest para umiyak. Up to this day,” pagbabahagi niya.

“I tried to leave iyong part ng kay Rico behind when I got married kasi siyempre I had to focus on my husband and my children, but it was always there. Pagka-birthday, nandiyan na naman ako. And kahit papaano naman, naging supportive ‘yong ex-husband ko,” dagdag pa ng aktres.

Narito ang buong panayam sa aktres:

Loading...