Sa gitna ng combat operation vs NPA; Sundalo sa kanyang nobya: Will you marry me?

Image via Facebook account of 95.7 Brigada News FM Koronadal

“Tunay na pinagtitibay ng laban at panahon ang dalawang pusong nagmamahalan.”

(Bagumbayan, Sultan Kudarat) Sa gitna ng combat operation ng mga militar laban sa New People’s Army (NPA), nag-alok ng kasal ang isang sundalo sa kanyang kasintahan.

Kasama ang mga sundalo, nag-propose si Corporal Denemar Albani, 27-anyos at radioman ng pangkat, sa kanyang nobya na si Private Christine Porcadilla, 26-anyos at combat medic.

Sa naturang proposal, nag-formation ang ilan sa mga sundalo habang hawak ang placards na may mga nakasulat na “Will You Marry Me?”, ayon sa ulat ng 24 Oras.

Pinuntahan ni Albani si Porcadilla, lumuhod siya sa harap ng nobya at hiningi ang ‘kamay’ nito.

Sabay-sabay namang humarap ang mga sundalo na may hawak ng placards.

Larawan mula sa Facebook account ng 95.7 Brigada News FM Koronadal
Larawan mula sa Facebook account ng 95.7 Brigada News FM Koronadal

Nakangiting tinanggap ni Porcadilla ang proposal ng kanyang nobyo. Tugon niya: “Yes, sergeant!”

Larawan mula sa Facebook account ng 95.7 Brigada News FM Koronadal
Larawan mula sa Facebook account ng 95.7 Brigada News FM Koronadal

Ayon kay Lt. Col. Harold Cabunoc, commanding officer ng 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army, nangyari ang proposal ni Albani sa patrol base sa kagubatan ng Sitio 2, Barangay Titulok, Bagumbayan.

Apat na taong nang magkasintahan ang dalawa at nagpaplano na silang magpakasal sa Abril.

Inaprubahan naman agad ni Cabunoc ang “permit to marry” ng dalawang magkasintahan nang makumpleto nila ang mga naturang requirements.

Sina Albani at Porcadilla ay kapwa sumasabak sa mga engkwentro laban sa mga teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), NPA at mga drug syndicate sa Sultan Kudarat.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa GMA News:

Loading...