Sa kabila ng polusyon sa isla, Boracay lumobo pa ang pagdagsa ng mga turista

Image capture from Flickr

Tumaas ang bilang ng pagdating ng mga turista  sa Boracay sa kabila ng “cesspool” remarks ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isla.

Ayon sa ulat ng Bombo Radyo, sa pinakahuling datos na inilabas ng Caticlan Jetty Port ay nasa  kabuuang  99,729 turista ang dumagsa sa Boracay magmula noong Pebrero 1-15, 2018.

Sa naturang tala, 70,876 ang mga banyaga; 26,827 ang mga domestic at 2,026 ang overseas Filipino workers (OFW).

Mas mataas umano ito ng 17.7 percent kung ihahambing noong 2017 sa magkaparehong period kung saan nakapagtala ng 84,707 tourist arrivals.

Dinagsa din ang Boracay nitong Chinese New Year kung saan mas marami ang pinili na mag-long weekend sa isla.

Samantala, magsasagawa ng pagdinig ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaugnay ng maruming kondisyon ng Boracay.

Kabilang sa mga iimbitahan ay mga stakeholders, mga tauhan ng mga lokal na pamahalaan at mga nangagasiwa sa mga water facilities ng isla.

Nangangamba naman ang ilang mga negosyante at manggagawa sa posibleng pagpapasara ng kanilang mga inuupahang negosyo sa isla.

Loading...