Saan ka pipila? McDonald’s gumawa ng pila para sa mga may ‘Forever’, naging bigo at may kakaibang karanasan sa pag-ibig

Image capture from Jam Valenciano Facebook account

Ang February ay itinuturing na pag-ibig month. Karamihan sa mga couples ay gumagawa ng kani-kanilang date upang maging bahagi ng Feb-Ibig month.

Kakaiba naman ang gimik na ito ng isang kilalang fastfood chain. Tila inilaan nila ang buwang ito para sa mga naging bigo at may ibang karanasan sa pag-ibig.

Sa Facebook post ni Jam Valenciano, ibinahagi nito ang mga larawan ng special lane sa McDonald’s kung saan maaari mong ipila ang sarili mo kung anong klaseng karanasan ang inabot mo sa pag-ibig.

Sa mga larawan na diumano’y unang ibinahagi ni Gerald Trimotcha sa Facebook ay mababasa ang mga karatula sa bawat pila: nakamove-on, single, na-friend zone, may forever at nagmahal, nasaktan at nag-McDo.

Naging viral sa social media ang mga larawang ito at maraming netizens ang naaliw at tila naka-relate rito.

Ikaw, saan ka pipila rito?

Kamakailan lamang ay nag-trending ang commercial ng McDonalds sa muling pagtatambal nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na nagpakilig rin sa marami.

Fact-checked against the following source(s) :

Facebook, You Tube

Loading...