‘Sisters for life!’ Claudine, nakikipag-bonding pa rin sa kapatid ng yumaong ex-BF na si Rico

Mga imahe mula sa Instagram accounts na @dailyricoyan at @claubarretto

Kahit halos dalawang dekada na ang dumaan buhat noong pumanaw ang aktor na si Rico Yan, ngunit nananatili pa ring malapit ang aktres sa mga kaanak ng aktor, lalung-lalo na sa kapatid nito na si Tina Marie Yan.

Kung follower ka ni Claudine sa Instagram, tiyak na nababasa mo ang madalas na pagpapalitan nila ng komento ni Tina, na talaga namang close na close sa dating girlfriend ni Rico.

Kaya naman ngayong umuwi si Tina sa Pilipinas mula sa United States ay madalas na nagba-bonding ang dalawa.

“Beauty and pig out day for us,” ani Claudine sa caption ng isa sa mga post niya.

@tinamarieyan beauty & pig out day for us😘❤️

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

“I love you, Tinee @tinamarieyan,” sabi naman niya sa caption ng isa pang set of photos, na nilakipan pa niya ng hashtag na #sistersforlife.

I luv u Tinee😘❤️🥂 @tinamarieyan #sistersforlife 👯‍♀️

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Matatandaan din na pagdating ni Tina ay dinalaw kaagad nila at ng iba pang mga kaanak, kabilang na ang bunsong anak ni Claudine, ang puntod ni Rico.

“My sister @tinamarieyan is home from the States. Visited RY earlier,”  ani Claudine sa caption ng mga larawan na ibinahagi niya noong hapon ng Sabado, Pebrero 17.

My sister @tinamarieyan is home from the states.visited RY earlier ❤️❤️

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

“See you tonight, Claude! You like my flower arrangement? Hahahah! Feeling florist. Lol! Made with love naman,” komento ni Tina. Sa Instagram story ni Claudine kinagabihan, nag-good night sila sa mga follower at ikinuwento na may slumber party  silang dalawa.

Masayang nag-iiwan ng komento ang mga tagahanga nina Rico at Claudine sa mga nabanggit na post. Anila, kapag magkasama sina Tina at Claudine ay parang buhay pa rin ang yumaong aktor.

Loading...