Sumayaw sa Obando: Maricar de Mesa ibinahagi ang karanasan bago nabiyayaan ng anak

Image capture from Maricar De Mesa Instagram account

Hindi umano naging madali para sa aktres na si Maricar de Mesa ang pagbubuntis.

Sa February 20 episode ng “Magandang Buhay” ay sinabi ni Maricar na pitong taon bago siya nabiyayaan ng munting anghel. Ibinahagi rin niya na kahit sa dating asawa na si Don Allado ay sinusubukan nilang magkaanak.

Sa Magandang Buhay ay sinabi ni Maricar na Pasko ng 2016 nang siya’y magdalang-tao sa kanyang American partner. Ito’y ilang buwan makalipas ang pagsayaw niya sa Obando sa Bulacan.

Well, I’ve been trying to get pregnant for the past seven years. That was with my previous partner, my ex-husband. But now I have a new partner. For seven years, marami ang nagsasabi sa akin na try mo ngang magsayaw sa Obando sa Bulacan, ‘di ko ‘yon masyadong pinapansin.

But in 2016, nandito ako sa Philippines. Wala akong ginagawa kaya sige punta ako, I even brought my mom. Tapos medyo madugo pala siya kasi masikip, mainit, napakaraming tao, ang aga. That was April, then I found out I was pregnant Christmas Day ng 2016 din,” ani Maricar.

Alam mo ang nakakatuwa roon, kasi he’s not based here in the Philippines, nandito lang siya noon because it’s Christmas. Naglalakad kami sa isang mall na may church. Nabasa ko ang e-mail noong doktor kasi nagpa-check up ako, ang sabi ‘Congratulations, Maricar, you are pregnant.’ Nasa tapat kami ng church. Talagang ‘yun nakakaiyak, ganoon ang reaksiyon,” saad pa nito.

Inamin din ng aktres na sumailalim  din ito sa vitro fertililzation (IVF), ngunit hindi na niya ito kailangan ngayon.

Si Maricar ay kilala bilang kontrabida sa mga pelikula at soap opera.

Being a newbie mom is not easy. Thanks to @theparentingemporium for all the helpful tips for my #AliannaSky ❤️ @megamalunggay

A post shared by Maricar De Mesa (@msmaricardemesa) on

 

Panoorin ang episode na ito ng Magandang Buhay para sa iba pang detalye:

Loading...