Suspek sa ‘rent-tangay’ modus, ******** sa Baguio

Image capture from News5 video via You Tube

MAYNILA, Pilipinas  –  Naaresto sa Baguio City ang isa sa mga suspek sa ‘rent-tangay’ modus nitong Miyerkules, ika-7 ng Pebrero.

Base sa ulat ng ABS-CBN News, nakilala ang suspek na si Peter Bentayen na nadakip ng mga awtoridad sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Judge Fernando Vil Pamintuan ng RTC, First Judicial Region Branch 3 ng Baguio City noon pang 2003.

Ayon kay Supt. Godofredo Tul-o, officer-in-charge ng Highway Patrol Group Cordillera, sangkot si Bentayen sa modus kung saan rerentahan ang sasakyan, aayusin ang mga papeles nito at saka ibebenta sa ibang tao.

Sangkot umano ang suspek sa iba’t-bang kaso ng ‘rent-tangay’ scam kung saan karamihan sa mga nabibiktimang sasakyan ay mula pa sa Maynila.

Si Bentayen, na nakalabas din matapos magpiyansa ng P10,000, ang pangalawang suspek na naaresto sa kaparehong modus sa loob lamang ng isang linggo.

Noong Enero 31, isang Rosalie Magalit naman ang nahuli sa ikinasang entrapment operation ng Cavite Provincial Highway Patrol Team sa Molino Blvd., Bgy. Molino 2, Bacoor City.

Si Magalit ang itinuturong suspek na tumangay at nagbenta ng sasakyan ng mga biktimang sina Jonald Delfin at Cyrine Vivero.

Ang modus umano ni Magalit ay hihiramin ang sasakyan subalit hindi na ito ibabalik. Malalaman na lamang daw ng may-ari na naisangla na o naibenta na pala ito sa ibang tao.

Fact-checked against the following source(s) :

ABS-CBN News, Journal Online, RMN New

Loading...