Sweet photos ng Valentine celebration nina Xian Lim at Kim Chiu, kinakiligan ng mga netizens

Mga larawan mula sa Instagram account ni Xian Lim

Isa sa mga pambatong loveteam ng ABS-CBN Kapamilya Network ang tambalan nina Kim Chiu at Xian Lim na mas kilala sa tawag na “KimXi.”

Unang nakilala ang kanilang tambalan sa teleseryeng My Binondo Girl kung saan nakasama nila sina Richard Yap at Ai Ai Delas Alas noong ito ay nasa Kapamilya Network pa. Dahil nag-click ang kanilang tambalan, nasundan na ito ng iba’t ibang mga proyekto tulad ng teleserye, pelikula, at endorsement, kahit na maraming tagahanga at tagasuporta ang tambalang Kim Chiu at Gerald Anderson o mas kilala bilang “Kimerald.”

Umugong din ang mga alingasngas na nagkakamabutihan na ang dalawa dahil lagi silang magkasama sa mga biyahe at dahil sa pagiging malapit nila sa isa’t isa na makikita sa kanilang mga Instagram post. Wala naman silang sinasabing kompirmasyon hinggil dito.

#withyou

A post shared by Kimberly Sue Chiu (@chinitaprincess) on

galit ba si santa?! or ganyan lang sya mag smile?!! lels

A post shared by Kimberly Sue Chiu (@chinitaprincess) on

Sa pagdiriwang ng Valentine’s Day noong Pebrero 14, 2018, magkasama sina Xian at Kim batay sa Instagram post ni Xian Lim.

Special Day Indeed Happy Heart’s Day ️️ @xianlimm’s IG

A post shared by VIVA ARTISTS (@vivaartistsagency) on

Maraming netizens ang kinilig sa mga photos na ito nina Xian at Kim. Marami na ring nananabik na muli silang makitang magkasama sa isang teleserye o pelikula dahil nagkanya-kanya sila ng proyekto kasama ang ibang mga kapareha.

Nagkasama sa isang teleserye sina Gerald at Kim habang si Xian naman ay gumawa ng pelikula katambal sina Coleen Garcia at Nathalie Hart na may pamagat na Sin Island na nagsimulang ipalabas sa mga sinehan noong Araw ng mga Puso. Ang teleseryeng The Story of US sa ABS-CBN Kapamilya Network ang huling teleseryeng pinagbidahan ng KimXi.

Loading...