Tatlong batang naligo umano sa Ilog Pasig, pinaghahanap pa rin

Public Domain Image
  • Tatlong batang babae ang patuloy na hinahanap sa Ilog Pasig
  • Duda ng mga ina na nalunod na ang mga ito
  • Umaabot sa 25 talampakan ang lalim ng ilog kaya nilalagyan na ng harang ang gilid nito

Tatlong batang babae ang pinaghahanap pa rin matapos silang mawala. Duda ng mga ina ng mga bata at mga awtoridad ay nalunod na ang mga ito sa Pasig River.

Kuwento ng ina ng isa mga nawawalang bata ay mga bandang alas-3 ng hapon niya sila huling namataan.

Iniwan umano niya ang anak kasama ang dalawang magkapatid na bata na gumagawa ng school project. Bago siya umalis ay pinagsabihan pa niya na huwag lumabas. Aniya sa ABS-CBN, “Pinagsasabihan ko na ‘wag muna gumala at may nangunguha ng bata diyan.”

Malakas umano ang kutob niya na nalunod ang mga ito nang maligo sa Ilog Pasig. Nakita kasi ang tsinelas ng mga bata sa tabi ng ilog.

Paliwanag niya, “Imposible namang gumala silang hindi naka-tsinelas. Hinanap ko na sa mga computeran, wala.”

Nagsagawa ng search and rescue operation ang Pasig Rescue ngunit kailangan itigil ng alas-10 ng gabi dahil sa lakas ng alon ng ilog. Umaabot sa 25 talampakan ang lalim ng ilog kaya nilalagyan umano ng harang ito ngunit hindi pa rin mapigilan ang mga tao.

Source :

ABS-CBN, RMN

Loading...