Trillanes ‘di masama ang loob sa mga taga-Davao City makaraang siya’y ideklarang ‘persona non-grata’ sa lungsod

Image captured from GMA Twitter account/Public Domain

Hindi masama ang loob ni Senador Antonio Trillanes IV sa mga tiga-Davao City makaraang siya’y ideklara bilang ‘persona non-grata’ sa lungsod.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, sinabi ng senador na biktima lamang ang mga tao sa lungsod at baka mas maunlad pa umano ang Davao kung iba ang namuno rito.

I have nothing against the people of Davao. I believe they are victims also. Na-imagine n’yo 20 years under Duterte tyinaga nila yan. Baka mas progresibo pa ‘yung city nila kung iba ‘yung naupo diyan so ganun na lang po ‘yan, ‘yan ‘yung mga halal nila,” ani Trillanes.

Si Sara Duterte ang naging Mayor ng Davao makaraang mahalal bilng Presidente ang ama; habang si Paolo Duterte ay nagsilbi bilang Vice Mayor ngunit nagbitw rin ito noong Disyembre lamang.

Ayon kay Davao City vice mayor Bernard Al-ag , ang pahayag ni Trillanes na ang Davao ang diumano’y  ‘most dangerous area’ sa bansa ang naging basehan ng city council ng Davao kaya ito idineklarang  ‘persona non-grata’

Naniniwala naman ang Senador na ang deklarasyon laban sa kanya ay may basbas ng mga Duterte.

” Yan pong ginawa ng city council ng Davao ay prerogative nila bilang elected city officials pero alam naman ng lahat na ito ay rubber-stamped ng mga Duterte. Hindi ‘yan sila gagawa nang walang basbas ng mga Duterte,” ani Trillanes.

Samantala nais pa rin ni Trillanes na paimbestigahan sa Senado ang diumano’y tagong yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang pahayag ay kasunod ng pagbasura ng Office of the Ombudsman sa plunder case ni Duterte.

Ito rin ay makaraang tumangging makipagtulungan umano ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa imbestigasyon ng Ombudsman sa diumano’y tagong yaman ni Duterte.

Loading...