Trillanes nagpadala ng transcript at videos ng mga talumpati ni Duterte sa ICC

Image captured from GMA Twitter account/Public Domain

Nagpadala umano si Senador Antonio Trillanes IV ng mga videos ng talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) makaraang ianunsiyo na sisimulan na ang preliminary examination laban sa  war on drugs ng pamahalaan.

Lahat ng mga speeches niya early on when he just assumed office. Lahat ng direct quotations ‘yun, ‘di pwede mai-spin yun,”  ayon kay Trillanes.

Dagdag pa ng Senador, nagsumite rin siya ng mga transcripts mula Senate inquiries sa diumano’y extrajudicial killings kung saan sina self-confessed hitmen Edgar Matobato at Arturo Lascañas ay nagbigay ng mga testimonya; ayon sa ulat ng ABS CBN.

Ang nasubmit natin, mga transcripts from the Senate investigations and very material siya,” ani Trillanes.

And at the proper time siguro, kung magsisimula na sila ng investigation, baka lumabas din lang itong mga testigong itong nagtatago sa ngayon.”

Kumpiyansa rin si Trillanes na magpapatuloy ang ICC sa kanilang  preliminary examination investigation.

Oo naman dahil kung ibabasura ito, noon pa lang. Ito nagbigay na sila ng sensyales na they have enough to proceed and ‘yung iba, ano na lang ‘yun, formalization na lang ng mga testimony and other documents,” ani Trillanes. “I am confident na magtutuloy-tuloy ito.”

Nauna nang inihayag ni Atty. Jude Sabio, sa 77-page communication sa ICC si Duterte ay paulit-ulit at patuloy na nakagagawa ng crimes against humanity kung saan ang pagpatay sa mga drug suspect at iba pang kriminal ay nagiging  “best practice” sa war on drugs.

Kamakailan ay inihayag ng Pangulo na siya’y  handang humarap sa pagdinig makaraang ianunsiyo ng ICC na sila’y magkakasa ng preliminary investigation sa drug war ng pamahalaan.

Loading...