Vandolph nagsusumikap upang hindi lumaki ang mga anak sa broken family

Image by Jenny Quizon via Instagram account
  • Ayaw umano ni Vandolph na lumaki ang mga anak niya sa broken family
  • Inaalagan niya ang kanyang asawa upang maayos ang kanilang samahan
  • 15 years na silang magkasama

Inamin ni Vandolph na hindi niya gustong lumaki ang kanyang mga anak sa isang broken family.

Kuwento pa ni Vandolph kay Tito Boy sa Tonight with Boy Abunda (TWBA), gusto niyang lumaki ang mga anak niya nang taliwas sa kinalakhan niya. Aniya, “Of course. Kasi ‘yung pinagdaanan ko before nung bata ako. Hindi ko naman sinasabing mali ‘yung Dad ko, mali ‘yung Mom ko. Ayaw ko lang mapagdaanan ng mga anak ko ‘yung mga napagdaanan ko.”

Inamin niya na masaya siya at marami silang magkakapatid ngunit iba ang pangarap niya para sa kanyang pamilya.

Dagdag niya, “Sabihin natin broken family kami. I have a lot of brothers and sisters na buo naman kami pero what I mean masaya ‘yun, pero pagdating sa akin, gusto ko ideal.”

Pangarap umano ni Vandolph na maging malapit ang mga anak niya sa kanya: “Gusto ko ‘yung mga anak ko abutin ko pag kinakasal na sila. Gusto ko ‘yung anak ko pag may problema, sa amin ng Mama niya pupunta.”

Upang matupad ang pangarap niya ay ginagawa niya umano ang lahat upang maging maayos ang samahan nilang mag-asawa. Sabi niya, “Clingy ako e. We always find time for ourselves. Nagde-date kami.”

Proud si Vandolph na 15 years na silang mag-asawa at hindi siya kailanman nangaliwa.

Nakatutuwang malaman na nagsisikap talaga siyang magkaroon ng matatwag na “ideal family.” Isa kang inspirasyon, Vandolph!

Maaaring mapanood ang video ng interview mula sa ABS-CBN Youtube channel:

 

Loading...