[Video] Dahil Sa ‘Yo ‘dancing sekyu’ showdown, nag-viral sa social media

Image capture from Armando Sarita video via Facebook

Madalas silang mukhang seryoso habang gumaganap ng kanilang trabaho. Minsan ay tila may pagkasuplado na marahil ay bahagi ng kanilang tungkulin — ‘yan ang security guard.

Sa pambihirang pagkakataon ang madalas na nakabantay sa mga establisyemento’y siya ngayong sentro ng atraksyon.

Nag-viral sa social media ang umano’y ‘dance showdown’ ng dalawang  security guard sa isang mall sa Laguna.

Sa Facebook post ni Armando Sarita, ibinahagi nito ang showdown ng dalawang guwardya sa isang Waltermart mall sa Laguna.

Nag-hit ang dalawang ‘dancing guards’ sa kanilang pagsayaw sa awiting ‘Dahil Sa ‘Yo’ ni Inigo Pascual.

Halos walang itulak kabigin sa dalawa dahil sa husay na ipinamalas nila sa pagsayaw. Makikita ding enjoy na enjoy sila.

Sino kaya ang nanalo sa showdown?

Kamakailan ay isa ring security guard ang nag-viral online dahil sa pagtulong nitong makatawid ang isang aso.

Loading...