[Video] Mga pasaherong nagmalasakit napigilan ang pandurukot sana sa isang babae na natutulog sa jeep

Image capture of video by Ghale Hornada

Inilahad ng isang netizen ang isang nakanenerbiyos na karanasan sa kanyang pagsakay sa isang jeep sa Taguig City.

Ibinahagi niya ang isang video at ilang larawan kung saan ay  makikita ang aktwal na pangyayari sa loob ng jeep.

May isang lalaki na nagtatangkang dukutan ang isang pasaherong babae na natutulog.

Ayon sa kanyang paglalahad sa kanyang Facebook account:  “Jusko lord nanginginig pa rin katawan ko. sa mahilig po magpunta ng Market market or FTI to Market or Market to C5 ikot! “plsss mag ingat sa taong ito market plang napansin ko na po na merong something sa kanya, tas nakakatakot kasi panay titig niya sa kin at sa ibang pasahero! “Bandang palar na po ay napansin ko na binubuksan niya yung bag ni ate eh ito naman si ate tulog kaya kayo wag matulog sa biyahe para aware kayo sa mga katabi ninyo.”

Nilahad rin niya na sinipa niya ‘yung isang babae na katabi ng suspek pagkat ito pala ang unang pinagtangkaang nakawan ng lalaki; dangan nga lamang at mahirap buksan ang bag nung babae sa kanan ng suspek.

Inamin din niya ang takot na kanyang naramdaman: “First time nangyari sa kin to, iba pala yung feeling sa mga ganitong sitwasyon, di mo kasi alam kung anung merong dala si kuya. ‘yung tipong gusto munang suntukin pero nakakatakot pala talaga..tama naman pala talaga ‘yung mga taong nakakaranas makakita ng ganitong ganap, di mo pala talaga masabi na merong magnanakaw kasi sa sobrang takot baka kung anung meron si kuya at anu pa ang magawa niya.”

Makikita sa video na hinila ng babae sa kanan ng suspek ang bag ng babae sa kaliwa upang maalerto ito na ninanakawan na siya. Nang maramdamang bistado na siya ay agad-agad na pumara at bumaba si manong na mandurukot. Sayang at hindi na-citizens arrest ano?

Dagdag pa ni Hornada, mabuti na lamang at walang nakuha sa babaeng natutulog, ngunit kalahati na umano ng pitaka ng babae ang nakalabas at kung hindi niya sinipa ang babae upang warningan ito, malamang ay nakuha ‘yun doon sa isa pang babae.

Salamat sa dalawang pasahero na sa kabila ng pangamba ay nagawa pang aksyunan ang na-witness na tangkang pandurukot.

Nawa’y mahuli ang lalaking ito at baka marami na itong nabiktima!

Ipinost niya ang pangyayari upang magbigay ng paalala sa publiko lalo na sa mga taga-Taguig na laging pumupunta ng Market market. Paalala din niya sa lahat na iwasang matulog sa biyahe at maging aware sa paligid.

Narito ang video na ibinahagi ni Ghale Hornada sa kanyang Facebook account:

 

Ang buong post ni Hornada:

Source :

Facebook, Kami

Loading...