[Video] Nagbalik na ang reyna! Maine, muling nag-dubsmash

Mga imahe mula sa Instagram accounts na @aboutaldub16 at @mainedcm

Pagkalipas ng matagal na panahon, sa wakas ay gumawa na muli ng dubsmash video ang tinaguriang Dubsmash Queen ng Pilipinas na si Maine Mendoza.

Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Mendoza ang dinub niyang mga linya mula sa pelikula ni Diamond Star Maricel Soriano na Minsan Lamang Magmamahal.

Gusto mo kaming magkakilala ng kerida mo? Bakit? Para maging magkaibigan? Para magpalitan ng recipe ng spaghetti,” saad ng mga linya sa nasabing pelikula.

Sa nasabing video ay kitang-kita na wala pa ring kupas ang reyna ng pagda-dubsmash.

Masayang-masaya ang kanyang mga tagahanga dahil batid umano nila na nagagawa ni Mendoza, sa paraang ito, ang isang bagay na nakapagpapasaya sa kanya.

“Meng is back!” kumento ni @clutch_burned_.

“‘Eto na ‘yon! Ginagawa na ni Maine ‘yong alam n’yang makakapagpasaya sa kanya,” ani @mytjuly.

“Walang kupas ang one and only Dubsmash Queen. Love you, Meng,” wika ni @monethski100667.

Narito ang kopya ng Instagram story na nai-save ng @aboutaldub16:

Meng! Ang kulit!😂 @mainedcm

A post shared by RICHARD & NICOMAINE (@aboutaldub16) on

Loading...