[Video] ‘Ultimate Star’ Jennylyn, wala pa ring kupas ang tinig

Mga imahe mula sa YouTube video ng markjen29 at sa Instagram account ni Nar Cabico

Bagama’t hindi na ganoon kadalas na naririnig kumanta ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado ay hindi pa rin kumukupas ang angking galing nito sa pagkanta. Patunay dito ang pagkanta niya ng If I’m Not In Love With You sa isang katuwaan.

Sa Instagram, ibinahagi ng mahusay na mang-aawit na si Nar Cabico ang duet nila ng Kapuso actress, na huling naglabas ng album noong 2016.

“‘If I’m not in love with you’ impromptu jamming no’ng Pasko. Na-caption pala ‘tooo. Happy Sunday! Labyu, beh @mercadojenny. Ikaw talaga ang Karen Carpenter ng Quezon City!” ani Cabico.

Humigit-kumulang isang dekada pabalik, noon pa mang nagsisimula  pa lamang sa industriya ang aktres ay marami na kaagad itong pinasikat na awitin. Sa katunayan, ang kantang If I’m Not In Love With You ay pinasikat na rin nila noon ng singer-actor na si Janno Gibbs at pinarangalan pa bilang Best Performance By A Duet sa 18th Aliw Awards noong 2005.

Narito ang ilan pa sa mga kantang pinasikat ng aktres:

Loading...