Wendell Ramos, napa-“wow” ang mga netizen sa kanyang sexy photos

Mga larawan mula sa Instagram account ni Wendell Ramos

Isa sa mga kinakikiligan sa showbiz na diumano’y tila “hindi tumatanda” ang hunk actor na si Wendell Ramos dahil sa napakagandang pangangatawan nito na kinaiinggitan ng mga lalaki at kinahuhumalingan naman ng mga babae.

Kabilang si Wendell sa katatapos lamang na teleseryeng Wildflower bilang si Raul Torrilo, asawa ni Emilia Ardiente na mahusay na ginampanan ni Aiko Melendez, at isa sa mga kanang kamay ni Red Dragon (Zsa Zsa Padilla) na si Jaguar.

Bago lumipat sa ABS-CBN Kapamilya Network, kasama si Wendell sa gag show na Bubble Gang sa GMA Kapuso Network.

Gumanap din siyang asawa ng karakter ni Kris Aquino sa horror movie na Sukob sa ilalim ng Star Cinema.

Samantala, nitong Disyembre 2017 lamang  ay pinakasalan na ni Wendell ang kanyang longtime partner na si Kukai Guevarra sa isang simbahan sa Parañaque City.

Silipin ang mga sexy photo ni Wendell na naka-post sa kanyang Instagram account.

just be positive!.. #godisgreatallthetime #traininsane #promatrix7

A post shared by Wendell Ramos (@wendellramosofficial) on

Loading...