Youngest  National Artist awardee Napoleon Abueva pumanaw na sa edad na 88

Image capture from ANC Twitter account

Pumanaw na ang National Artist at kinokonsiderang  Ama ng Modernong  Philippine Sculpture na si Napoleon Abueva sa edad na 88.

Si Abueva ay pumanaw sa National Kidney and Transplant Institute, Pebrero 16 ng umaga.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, kinumpirma mismo ni Jose Abueva, kapatid ni Napoleon, ang pagpanaw nito.

Nagpahayag na rin ng pakikiramay ang Metropolitan Museum of Manila sa pamilya ni Napoleon.

Ayon sa National Commission for Culture and the Arts,  si Abueva ang pinakabatang National Artist awardee sa edad na 46.

Abueva has helped shape the local sculpture scene to what it is now. Being adept in either academic representational style or modern abstract, he has utilized almost all kinds of materials from hard wood (molave, acacia, langka wood, ipil, kamagong, palm wood and bamboo) to adobe, metal, stainless steel, cement, marble, bronze, iron, alabaster, coral and brass,” ayon sa NCCA.

Ang mga gawa ni Abueva ay matatagpuan sa mga museum sa loob at labas ng bansa

Ilan sa mga tanyag na obra ni Abueva ang Kaganapan, Kiss of Judas, Nine Muses sa harap ng UP Faculty Center, Sunburst sa The Peninsula Manila hotel at ang tansong anyo ni Teodoro M. Kalaw sa harap ng National Library.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang Malacañang sa pagpanaw ni Abueva.

Hindi matatawaran ang naging kontribusyon ni Abueva sa larangan ng sining na hindi malilimutan ng mga Filipino, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ibinahagi naman ng UP Diliman OICA, sa kanilang Facebook account ang dokumentaryo sa buhay ni Abueva.

Loading...