£10-million mansion ibinigay ni “Mr. Bean” sa dating asawa bilang bahagi ng kanilang divorce deal

Imahe mula sa British Comedy Guide

Halos isang dekada na nakipag-away si Rowan Atkinson, mas popular bilang si Mr. Bean, sa kanyang mga kapitbahay sa Cotswolds sa England upang maipatayo ang ultra-modern mansion niya upang sa bandang huli ay “isuko” lamang iyon sa dating asawa.

Ang nasabing mansyon ay naging kontrobersyal matapos inihalintulad iyon ng kanyang mga kapitbahay sa isang gasolinahan. Tinawag nila iyon na “space-age petrol station” dahil sa disenyo niyon na hindi umano tugma sa disenyo ng mga kabahayan sa kanilang komunidad.

Ayon sa ulat ng Daily Mail, ang mansion na hitik sa high-tech gadgets at mayroong underground na garahe para sa koleksiyon ni Atkinson ng mga supercars ay ibinigay niya sa dati niyang asawa, ang make-up artist na si Sunetra Sastry, 55-anyos, bilang divorce deal.

Si Atkinson at Sastry ay nagdiborsiyo noong Nobyembre ng nakaraang taon. Nagsama sila bilang mag-asawa sa loob ng 28 taon.

Ipinagpalit ni Atkinson, 63-anyos na sinasabing may net worth na £100 million, ang dating asawa sa mas batang artista na si Louis Ford, 34-anyos.

Fact-checked against the following source(s) :

Daily Mail, MSN, The Sun