Ai-Ai manager na ng Ex-Battalion, handa silang gawing “mainstream”

Image by Ex-Battalion via Facebook page
  • Si Ai-Ai delas Alas na nga ang bagong manager ng rap group na Ex-Battalion
  • Inamin ni Ai-Ai na medyo mahirap ang mag-manage ng artist kaya humingi siya ng tips kay Boy Abunda
  • Gusto umano niyang tumulong sa mga baguhang artists na matupad ang kanilang mga pangarap

Talaga namang handang-handa na si Ai-Ai delas Alas na pasikatin ang hit rap group na Ex-Battalion.

Nakapirma na ng kontrata ang Ex-Battalion na sila ay nasa pangangalaga ng Comedy Queen sa loob ng dalawang taon.

Ani pa ni Ai-Ai sa Pep, “Gusto ko na mag-level up ang Ex Battalion, hindi lang sa mundo ng Internet kundi pati rin sa mainstream.”

Dagdag niya, “Walang experience ang Ex Battalion sa mainstream. Ni hindi nila alam ang kanilang worth kaya nagpatulong na sila sa akin.”

Inamin naman ni komedyante na hindi madali ang mag-manage ng artist. Sabi niya, “Challenging pala ang mag-manage ng mga artist. Tumawag pa ako kay Ama [Boy Abunda, AiAi’s manager] para humingi ng tips na magagamit ko sa pagma-manage sa Ex Battalion.”

Ibinahagi ni Ai-Ai na gusto niya lang talagang makatulong sa mga baguhan.

Aniya, “At saka, na-manage ko na ang personal life ko at happily married na ako, kaya it’s about time na tumulong ako sa mga new artists na talented at kailangan ng guidance para matupad ang mga pangarap nila.”

Source :

Pep, GMA

Loading...