‘Alcoholic chicken!’ Manok na tumatagay ng beer, kinaaliwan sa social media

Image capture from Trending Karon Facebook account

Manok na lasenggo? Puwede ba ‘yun?

Nag-viral ngayon sa social media ang isang manok na umiinom ng alak.

Sa Facebook post ng Dominican Sei sa pamamagitan ng Trending Karon Facebook account, ibinahagi nito ang isang video ng isang manok na tumatagay ng beer mula sa isang lalaking may hawak sa kanya.

Sa video, mapanonood na tila mas gusto pa ng manok ang beer kaysa tubig na ibinibigay sa kanya.

Naging katatawanan naman sa mga netizens ang kakaibang manok na ito na tinaguriang ‘alcoholic chicken.’

Naku, isang hamon ito sa mga sunog-baga at manginginom; sasabay ba kayo sa lasenggong manok na ito? ^_^

H’wag po! H’wag po!

Tunghayan ang video:

Kamakailan ay nag-viral naman ang isang kambing na umiinom din ng alak at namumulutan pa.

Nakatawag pansin ito sa maraming netizens dahil tila agresibo ang kambing sa pag-inom ng alak.

Loading...