Angel, ‘di nakalimutan si Vilma nang makatanggap ng parangal

Mga imahe mula sa Instagram accounts na @vsrecto at @therealangellocsin

Hindi nakalimutan ng aktres na si Angel Locsin na pasalamatan ang Star For All Season na si Vilma Santos, ina ng kanyang dating kasintahan na si Luis Manzano, noong makatanggap siya ng parangal mula sa National Commission for Culture and the Arts kamakailan.

Sa Instagram, kabilang si Santos sa mga pinasalamatan ni Locsin.

“Salamat, Ms. Vilma Santos, you are and forever will be our star for all seasons. Thank you po Tita for the privilege na makatrabaho po kayo. Para ito sa ating mga Pilipino,” aniya.

ayan nakuha ko na po 😄 Thank you so much po sa lahat ng bumubuo ng National Commission for Culture and the Arts, especially po kay Chairman Virgilio Almario, for this huge honor. It’s a privilege to be given recognition by our country for your passion. Again, thank you so much po. Sorry I wasn’t able to make it to the celebration for I was out of the country. To my ABS-CBN and Starcinema Family, Tita Malou Santos, & Inang Olive Lamasan, Thank you po! Direk Joyce, Salamat! Ms. Vilma Santos, you are and forever will be our star for all seasons. Thank you po Tita for the privilege na makatrabaho po kayo. Para po ito sa ating mga Pilipino ❤️ #AniNGDangalAwards

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Sa isang naunang panayam kay Santos, sinabi nito na kaibigan pa rin niya si Locsin kahit pa hiwalay na ito at ang anak niya.

Papuri ng Gabriela

Samantala, kamakailan ay nakatanggap ang aktres ng commendation mula sa Gabriela Partylist dahil sa matapang na pahayag niya kaugnay sa grupo ng mga babaeng sumali sa talent search na hinu-host niya.

Kinuyog man siya ng mga basher, kinampihan naman siya ng grupo ng kababaihang Gabriela.

Loading...