Banyaga dinuraan ang tricycle driver makaraang mabangga ang sasakyan nito

Image capture from Anthony Enriquez Facebook account

Sa maraming pagkakataon ilang beses nang napatunayan na ang matinding trapik ay maaaring magresulta sa hindi magandang pangyayari.

Sino nga ba ang tama?

Isang aroganteng banyaga ang nandura sa isang tricycle driver makaraang  makaraang mabangga ng huli ang sasakyan ng banyaga dahil sa umano’y biglang paghinto ng sasakyan nito.

Sa Facebook post ni Anthony Enriquez, ibinahagi nito ang video ng naturang insidente kung saan makikita ang pandudura ng banyaga sa tricycle driver.

Sa video ay mapanonood ang pagbaba ng banyaga at kinompronta nito ang lalaki. Galit na ang banyaga sa tricycle driver dahil sa tinamong pinsala ng sasakyan.

Pilit na nagpapaliwanag umano ang tricycle driver ngunit sa halip na pakinggan ay panay ang mura sa kanya ng banyaga.

Nagpaliwanag din  ang tricycle driver sa babae na kasama ng banyaga kung saan bumaba ito sa gitna ng kalsada.

Ang masaklap pa nito’y dinuraan ng banyaga ang naturang tricycle driver.

Dito na umusok sa galit ang maraming netizens; sa hindi magandang pag-uugali na inasal ng banyaga Hindi rin naiwasan ang ilan netizens na magpahayag ng kanilang saloobin at galit hinggil sa nangyari.

Source :

Facebook

Loading...