Barbie sa naudlot na relasyon kay Derrick: We’re mature enough to realize na mas matagal kami magkakasama kung friends

Imahe mula sa Instagram account ni @derrickmonasterio

Nagkuwento ang “Almost a Love Story” love team na DerBie tungkol sa naudlot nilang pagmamahalan sa tunay na buhay.

Ayon sa GMA News, inamin ng aktor na si Derrick Monasterio na dalawang beses siyang nanligaw noon sa aktres na si Barbie Forteza.

“Nanligaw po ako, twice. So gumastos din po ako ng medyo malaki-laki,” aniya.

In case you didn't know. Baby I'm crazy bout you. I would be lying if I said that I could love this life without you.

A post shared by Derrick Monasterio (@derrickmonasterio) on

Aminado rin naman siyang nagkulang din siya sa ibang aspeto sa panliligaw.  Nagbiro pa ang aktor na, “Kinulang sa bouquet, e. Single stem lang kasi binibigay ko e. Gusto pala ni Barbie, ‘yung bouquet.”

Paglilinaw ni Forteza, marahil, kaya naging “almost” lamang ang kanilang love story at hindi naging sila sa huli ay dahil napagtanto nila na mas magtatagal ang ugnayan nila kung mananatili silang magkaibigan lamang.

“Siguro we’re mature enough to realize na mas matagal kaming magkakasama kung friends,” wika niya.

“Relationships don’t last,” pagsang-ayon ni Monasterio.

“Statement! May hugot ka ba?” pang-aasar ni Forteza.

Narito ang teaser ng Almost a Love Story: