Bibliya ginawang taguan ng shabu

Imahe mula sa RMN

******** ang isang lalaki sa isang anti-illegal drugs operation na  isinagawa noong Miyerkules, ika-7 ng Marso, sa Victorias City sa Negros Occidental.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, nakumpiska mula sa suspek na kinilalang si Joshue Ansuyon, 21-anyos, ang ilang sachet ng shabu na nakaipit umano sa loob ng isang Bibliya.

“We were having a hard time looking for the items, we never expected that they will [hide] them inside a Bible. Who would expect to see shabu inside a Bible?” ani Supt. German Garbosa, hepe ng Victorias Police.

[Nahirapan kaming hanapin ang mga item. Hindi naming inaasahan na itatago ang mga iyon sa loob ng Bibliya. Sino ang mag-aakala na makakita ng shabu sa loob ng isang Bibliya]

Dagdag ni Garbosa, matagal na nilang minamanmanan si Ansuyon matapos makatanggap ng impormasyon na nagtutulak ito n g  ilegal na droga. Ginagamit dinumanong drug den ang bahay ng suspek.

Mariin namang itinanggi ni Ansuyon ang paratang. Hindi niya raw alam kung bakit may shabu sa loob ng Bibliya. Itinanggi niya na nagbebenta siya ng shabu. Aniya foil na gamit sa pagtira ng shabu ang itinitinda niya.

 

Loading...