Birthday message ni Liza kay Enrique: “Happy Birthday to my monkey I thank God everyday that our paths met.”

Image capture from Liza Soberano Instagram account

Nagpahayag ng pagmamahal at pasasalamat si “Bagani” actress Liza Soberano nitong Marso 30 sa kanyang on-screen partner na si Enrique Gil na nagdiwang ng kanyang  26th birthday.

Sa Instagram post ni Soberano, ibininahagi nito ang larawan nila ni Gil at ito’y may caption na:  “Happy Birthday to my monkey I thank God everyday that our paths met.

I wish you remain God fearing, family oriented, and that your smile never fades no matter what obstacles may come up against you,” ani  Soberano, na sinasabing rumored girlfriend ni Gil.

Know that you are loved by your fans, your friends, your family and me! Teehee,” dagdag pa nito.

Hindi naman idinetalye ang birthday bash ni Gil ngunit sa Instagram story ni Soberano makikita na sila’y magkasama sa espesyal na araw ng aktor.

Kamakailan ay nagdiwang ang rumored couple ng  kanilang fifth anniversary bilang love team.

Sina Gil at Soberao ay unang nagtambal noong 2013 sa pelikulang:  “Must Be… Love,” kung saan naging box office din ang pelikulang ito. Sa parehong taon, gumanap din sina Gil at Soberano sa  “She’s The One” kasama sina Bea Alonzo at Dingdong Dantes; ayon sa ulat ng ABS CBN.

Hind naman makalilimutan ang  tambalan nina Gil at Soberano sa primetime series noong 2014, “Forevermore.”