Boatman sa Palawan ******** sa **** at attempted **** sa dalawang turistang Slovakian

Imahe mula sa Dish it Up

******** ang isang 30-anyos na boatman sa El Nido, Palawan dahil sa panghahalay sa isang Slovakian tourist at tangkang panghahalay sa isa pang dayuhan.

Ayon sa ulat ng GMA News, sinampahan na ng Philippine National Police-Palawan ng **** at attempted **** charges ang suspek na kinilalang si Romulo Arnosa.

Pahayag ni El Nido Police Chief Inspector Rodel Lota, ang suspek na si Arnosa ay crew member ng bangkang “Sweet Madonna” na sinakyan ng dalawang biktimang Slovakian kasama ang kanilang mga nobyo.

Nag-camping umano sa Cadlao island ang mga turista at doon ay nag-inuman ang mga ito. Habang wala ang mga nobyo ng dalawang biktima, sinamantala umano ni Arnosa ang kalasingan ng dalawang babaeng turista at isinagawa ang panghahalay.

Matapos ang pangyayari ay agad namang nakapagsumbong ang mga biktima sa pulisya  at agad namang naaresto ang suspek na ngayon ay nakapiit sa Palawan Provincial Jail.

Nagbigay ng tulong ang provincial government ng Palawan sa dalawang biktima. Isasailalim din sila sa counseling.

 

Fact-checked against the following source(s) :

GMA Network, MSN, Filipino Posts