Call center agent na nabiktima ng hit and run, nakiusap sa driver na magpakita sa kaniya

Image capture from Panahac Dani Facebook account

Isang call center agent ang nabiktima ng hit and run sa Ortigas Ave. Extension sa Rockwell and Medical City.

Ang biktima ay kinilalang si Mark Anthony Villaseñor Gamboa; isang call center agent.

Sa Facebook post ni Panahac Dani ay makikita na sa pamamagitan ng dash cam ay malinaw na nakunan ng footage  ang insidente ng hit and run.

Dahil sa lakas ng naging impact kay Mark, napunta ito sa ilalim na bahagi ng sasakyan.

Image capture from Panahac Dani Facebook account
Image capture from Panahac Dani Facebook account

Tukoy na umano ang driver ng nakabundol. Ang sasakyan ay Hyundai MODEL – BED-521 at ang driver ay kinilalang si Vera Cruz.

Image capture from Panahac Dani Facebook account
Image capture from Panahac Dani Facebook account

Sana naman po magpakita na kayo o kaya kahit tulungan niyo ako sa medical, gastos sa ospital kasi ang laki na po talaga ng bill namin sa ospital. Kahit konting tulong lang po,” panawagan ni Gamboa.

Samantala, umusok ang social media dahil sa galit ng mga netizens sa inasal na ito ng driver. Nananalangin naman ang iba sa agarang ikadarakip ng driver.

Panoorin ang ulat na ito ng GMA para sa iba pang detalye:

 

Source :

Facebook, Buzz DF, GMA

Loading...