Call! Pagbukas ng mga bank records ni Duterte sa PACC, aprub kay Trillanes

Image captured from GMA Twitter account/Public Domain

Aprub umano kay Senador Antonio Trillanes IV ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na payagan ang sino man na imbestigahan ang kanyang mga bank accounts maliban sa Senador.

Matatandaang inihayag ng Pangulo na nakahanda umano siyang pabuksan ang kanyang bank records at ipabusisi ang mga ito.

Ayon sa ulat ng Bombo Radyo, sinabi umano ni Trillanes na hindi naman tinutupad ni Duterte ang kanyang mga pangako kung kaya’t walang problema sa kanya kung hindi ito ipakita sa kanya ng pangulo.

Call! Kahit hindi sa ‘kin ipakita basta ilabas n’ya. Pero ilang beses n’ya na sinasabi ‘yan, hindi naman ginagawa.”

Hinamon ni Trillanes ang Punong Ehekutibo na isapubliko nito ang mga records ng kanyang mga bank account kung wala umano itong itinatago at lagdaan na lamang ang bank secrecy waiver.

Nauna nang sinabi ng Pangulo na handa siyang ipasilip ang kanyang account sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), ang ahensiya na kanyang itinatag.

Subalit siniguro din ni Duterte na wala silang makukuha dito maliban sa P40-M kabilang na umano ang minana niya sa kanyang mga magulang.

Magugunitang, ibinasura ng anti-graft court ang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman para sa plunder case na inihain ni Trillanes laban kay Duterte.

Napag-alaman kasi na hindi nagsumite ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng mga datos na kailangan para umusad ang kaso.

Loading...