Carmina sa pagta-travel ng mga anak nang ‘di sila kasama ni Zoren: Siguro ‘pag mga 40 na sila

Mga imahe mula sa Intagram account ni @mina_villarroel

Hindi pa raw ma-imagine ng aktres na si Carmina Villarroel ang dalawang anak nila ni Zoren Legaspi na namamasyal sa ibang bansa nang walang kasama ni isa sa kanilang mag-asawa.

Ayon sa PEP, sinabi ni Villarroel na basta out of the country ay kailangan magkakasama silang pamilya.

‘”Pag traveling out of the country, it has to be with family. That’s our bonding, ‘yun ‘yung one of our bonding namin talaga. Gustung-gusto namin mag-travel, ‘yung maglalakad sa kalsada. ‘Yun kami, e, that’s our family thing, family bonding. So parang nakaka-sad, ‘Ay, magta-travel kayo with your friends!'” kuwento niya.

Fujiten 🌲⛄️

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel) on

Malapit nang maging lubusang binata at dalaga ang kambal nila ni Legaspi.

Nang tanungin kung kailan nila papayagan ang mga anak sa mag-travel nang hindi sila kasama, ang sagot ng aktres, “Parang ‘wag muna, muna talaga! Siguro matagal pa, siguro pag mga 40 na sila. Hindi, hindi ko alam. Pero not now, hindi ko kaya.”

Merrry Christmas from our family to yours….Villarroel ❤ Legaspi 🎄

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel) on

Fact-checked against the following source(s) :

Pep, Instagram, Instagram

Loading...