Daniel, naaktuhan habang patagong tumutulong sa sampaguita vendor

Imahe mula sa Instagram account na @imdanielpadillaofc

Nasaksihan ng isang tao ang kabutihang loob na ginawa ng aktor na si Daniel Padilla sa isang sampaguita vendor kamakailan.

Ayon sa isang mensaheng ipinadala sa PhilStar, nasaksihan daw ng sender kung gaano kabait si Daniel  noong minsang nakasama niya ito sa pictorial para sa isang glossy magazine na katatampukan nila ng ka-love team na si Kathryn Bernardo. Ito ay sa kabila ng pagtatago ng aktor sa ginagawa niyang kabutihan sa kapwa.

Kuwento ng source, pagkatapos ng pictorial ay nakita raw niyang inihatid ni Daniel sa kotse si Kathryn kasama ang Mommy Min ng aktres.

May batang lalaki raw na nagtitinda ng sampaguita na lumapit sa young actor at inalok ito na bumili. Walang dalang cash noon ang binata kaya isinama niya ang bata sa kotse. Doon ay humiram siya ng pera sa kanyang road manager at patagong ibinigay sa bata. Hindi na rin nito kinuha ang sampaguita.

Masayang-masayang umano na umalis ang bata dahil dalawang tig-100 ang ibinigay ni Da­niel. Wika ng bata, lalo raw niyang hinangaan ang other half ng sikat na tambalang KathNiel.

Modelo

Sa kasalukuyan, marami ang natutuwa sa totoo at malinis na pagmamahalan nina Daniel at Kathryn. Nagiging role model din sila sa ibang kabataan.

“’Yong ibang kabataan ngayon, kami ang nagiging role model din kasi. And kami naman, pinalaki kami nang maayos at tama, so, wala kaming pagpapanggap na ginagawa. Produkto lang kami ng mga magulang namin and kami rin po, alam namin ang dapat naming ipakita,” wika ni Daniel.

Sabi naman ni Kathryn, hindi man daw nila maipapangako na magiging perpekto silang imahe ay maipapangako naman daw nilang magiging totoo sila sa mga tao.

“Nagpapasalamat kami lalo sa mga bata na tumitingala sa amin, naging inspiration nila kami, parang ‘yon ‘yong malaking bagay sa amin na parang okay, ginagawa natin nang maayos ang trabaho namin and nagkakaroon kami ng purpose because of that,” dagdag pa niya.

Melt with you

A post shared by Daniel Ford (@supremo_dp) on

Loading...