De Lima nagpa-check up na sa PHC, nangakong isasapubliko ang kanyang kondisyon

Image capture from GMA Facebook account

Pinayagang makalabas ng kanyang piitan nitong Marso 12 sa Philippine National Police Custodial Center si Senador Leila de Lima upang magpasuri sa Philippine Heart Center sa Quezon City.

There is nothing to worry about. This is just part of a routine medical check-up to determine if I should go through an operation to avoid any complications,” ani De  Lima.

Ayon sa mambabatas, nakita ang “impression of a liver mass” nang isagawa ang taunang medical check up sa kanya noong Pebrero 15 sa Philippine National Police (PNP) General Hospital.

Sinabi naman ng Senador na walang dapat ikabahala ang publiko hinggil sa kanyang kondisyon. Kasabay nito humiling din siya ng panalangin para sa kanyang kondisyon; ayon sa ulat ng Inquirer.

Dagdag pa ng Senador,  kanyang isasapubliko anuman ang resulta ng medical examination.

Ang medical checkup ng Senador ay tugon  ng Muntinlupa RTC Branch 206 sa urgent motion para sa medical furlough na isinumite nito noong February 22, 2018.

Pumayag si Muntinlupa RTC Branch 206 Judge Amelia Fabros Corpuz para sa isang araw na furlough.

Dahil dito, inirekomenda ni  Dr. Errol Rhett Santelices, doctor ni De Lima, na makalabas ito ng PNP Custodial Center upang sumailalim sa CT scan.

Si De Lima ang sasagot sa mga gagastusin sa kanyang chek up.

Kaugnay nito, inatasan ng korte si CIDG-NCR Chief Sr. Supt. Bellie Tamayo upang siguruhin ang seguridad ng Senador habang inihahatid sa Phililippine Heart Center at pabalik sa PNP Custodial Center.

Loading...