Duterte hindi binu-bully si CJ Sereno – Palasyo

Image from DF Balita Files

MAYNILA, Pilipinas  –  Pinabulaanan ng Malakanyang ang alegasyon ng mga kritiko ng administrasyon na binu-bully umano ni Pangulong Rodrigo Duterte si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ay sa gitna ng impeachment complaint na kinakaharap ng punong mahistrado sa Kamara at petisyong quo warranto na isinampa naman kamakailan ng Office of the Solicitor General (OSG).

Ayon kay Presidential Spokesperosn Harry Roque, hindi na kailangang i-bully ng Pangulo si Sereno sapagkat ang huli na mismo ang gumagawa ng mga hakbang para iwasan siya ng kanyang mga kapwa-mahistrado sa Korte Suprema.

“Hindi na siya kinakailangang i-bully ng presidente. She has done a magnificent job at alienating her own colleagues. Ang mga colleagues niya mismo ang nagsasabi na hindi siya karapat-dapat diyan,” ani Roque sa ginanap na press briefing nitong Biyernes.

“Kung siya ay binu-bully, sino ang nambu-bully sa kanya? Eh siya ang hepeng mahistrado and yet ni isang manistrado walang kumakampi sa kanya,” dagdag pa nito.

Sa kanyang talumpati nitong Huwebes sa isang pagtitpon ng mga babaeng huwes sa bansa, naglabas ng sama ng loob si Sereno at inaakusahan ang administrasyong Duterte ng panggigipit umano sa kanya.

Sa kabila umano nito, iginiit ni Sereno na hindi siya magpapatalo na lamang basta-basta.

“All kinds of lies, threats, harassment and bullying have been thrown my way. But I will not yield,” wika ng Chief Justice.

Loading...