Enroll na! Paaralan sa Calbayog City mala-fastfood ang disenyo ng mga silid-aralan

Image capture from Den Den Soy Facebook account

Malaking bagay ang silid-aralan sa pagkatuto ng isang mag-aaral. Kapag maganda ang mga classroom ay tiyak na magaganyak ang mga estudyante na pumasok sa paaralan.

Nag-viral ngayon sa social media ang isang paaralan sa Calbayog City, Western Samar na  nakadisenyo nang hango sa mga kilalang fastfood chain sa Pilipinas.

Sa Facebook post ni Den Den Soy, ibinahagi nito ang mga larawan ng mga silid-aralan na sinasabing kuha sa Cagmanipis Norte Elementary School na nakadisenyo sa mga kilalang fastfood chain sa bansa.

Ito ay may caption na: “Cagmanipis Norte Elementary School, pampa gana daw sa mga studyante.”

Ok din ang nakaisip ng konsepto na ito ano?

Aba! Kung ikaw ang mag-aaral ay talaga namang gaganahan kang pumasok dahil mala-fastfood ang dating ng iyong papasuking silid. ‘Yun nga lang, nakakagutom dahil magpapaalala na masarap kumain.

Makikita sa larawan ang mga classrooms tulad ng Jollibee at McDonalds.

Image capture from Den Den Soy Facebook account
Image capture from Den Den Soy Facebook account

May Mang-Inasal at Greenwich din!

Image capture from Den Den Soy Facebook account
Image capture from Den Den Soy Facebook account

May Mr. Liempo at Chowking pa!

Image capture from Den Den Soy Facebook account
Image capture from Den Den Soy Facebook account

Ito pa petmalu! Pati 7-11 ay hindi pinalagpas na gayahin ng naturang paaralan.

Image capture from Den Den Soy Facebook account
Image capture from Den Den Soy Facebook account

Pati HugotMaestra, ibinahagi rin ang mga larawang ito!

Ano pa ba?! Enroll na!     

Loading...