Glaiza: Mga babae, tayo ay babawi ‘di para maghiganti kundi upang magkaroon ng respeto sa sarili

Imahe mula sa Instagram account ni Glaiza de Castro

Isang mabigat na mensahe ang ipinost ng aktres na si Glaiza de Castro para sa mga kababaihan.

Sa Instagram, ibinahagi ni De Castro ang isang inspirasyonal na pahayag para sa mga babaeng may pinagdaraanan.

“Lahat tayo may pagsubok na pinagdadaanan. Lahat tayo may kanya kanyang laban. Manghihina tayo, mawawalan ng pag-asa. Pero hindi tayo nag-iisa,” aniya.

“Mga babae, babangon tayo at babawi. Hindi para maghiganti, pero para magkaroon ng panibagong respeto sa sarili at sa bawat isa, kahit pa sa mga nang api,” dagdag pa ng bida ng upcoming GMA series na Contessa.

Maraming ang napasaya ng nasabing mensahe.

“Tama ka po sa lahat ng iyong mga tinuran, Ate, I’m so proud of you po,” ani @edelwiceadalla.

“Isa kang inspirasyon at huwaran na nagbibigay ng pag asa lalo na sa mga kababaihan,” sabi ni @fellonem26.

“Ikaw ang inspirasyon ko humahanga ako sa mga bigkas na mga salita na may aral lalo ako nagkakaron ng pag asa sa sarili ko. Sana huwag ka magsawa magbigay ng inspirasyon sa lahat,” wika naman ni @princesgracemoreno.

As of posting, libo-libo na ang nag-favorite sa Instagram post ni De Castro.

Source :

Instagram

Loading...