GMA Kapuso Station ID 2018, umabot na sa mahigit 1 million views

Larawan mula sa Instagram account ng GMA Network

Umabot na sa 1 million views sa Youtube ang inilunsad na GMA Kapuso Network Station ID na unang ipinalabas noong Marso 9, 2018 na may pamagat na Buong Puso para sa Kapuso.

Naipakita sa Kapuso Station ID ang kasaysayan ng kanilang pinagmulan at patuloy na pamamayagpag bilang isa sa matatagumpay na TV station sa bansa sa kasalukuyan.

“We celebrate our success story and our shared values with our viewers who have been with us through the years. I hope our story serves as an inspiration to every Filipino striving to succeed in life and provide a better future for the people they love,” saad ni GMA Network Chairman at CEO Felipe L. Gozon.

Nagsimula ang GMA bilang isang radio booth na itinatag ni Robert “Uncle Bob” Stewart at ngayon nga ay kinikilala bilang isa sa mga pinakamalaking tv network sa bansa.

Makikita sa station id ang mga Kapuso star, newscaster at celebrity gaya nina Pambansang Bae Alden Richards, Royal couple Dingdong Dantes at Marian Rivera, Asia’s Songbird Regine Velasquez, at batikan at award-winning news anchor Jessica Soho.

Marami namang nakapansing wala sa naturang station id si Maine Mendoza. Walang kontrata si Maine sa Kapuso Network kundi sa TAPE, Inc. lamang, ang producer ng nootime show na Eat Bulaga.

Panoorin ang GMA Kapuso Network Station ID 2018 na may pamagat na Buong Puso para sa Kapuso.

Sa YouTube:

Fact-checked against the following source(s) :

Facebook, GMA News Online, Lionheartv, Instagram, GMA