Hashtags member Bugoy, sinuspinde sa It’s Showtime

Imahe mula sa Instagram account ni @hashtag_bugoy

Nasuspinde umano ang Hashtags member na si Bugoy Cariño sa noontime show na It’s Showtime.

Ayon sa PEP, kinumpirma ng kapwa Hashtags member ni Cariño na si Jameson Blake na kaya ilang buwan nang hindi napapanood ang aktor sa palabas ay dahil suspendido ito. Katulad ni Cariño, napatawan din ng indefinite suspension ang Hashtags member na si Jon Lucas.

“Well, I can only say that they’re on indefinite suspension, indefinite,” ani Blake.

[Ang masasabi ko lang ay nasa ilalim sila ng indefinite suspension, indefinite.]

Nitong weekend lamang ay kumalat sa social media ang balitang nabuntis umano ni Cariño ang volleyball player na si EJ Laure.

“I’m aware (of the issue) pero I really know nothing about it. Wala, wala akong masagot. I have no definite answer as of now,” wika ni Blake.

[Alam ko na mayroong isyu pero wala akong alam tungkol dito. Wala akong maisasagot sa ngayon.]

#ASAPEneRoar – styled by @drewlacia

A post shared by Jameson Blake (@hashtag_jameson) on

Nauna nang sinagot ni Laure, 20, ang isyu na nagdadalantao siya sa anak ni Cariño, 15. Aniya, hindi lamang ito ang unang beses na mayroong nagkalat na buntis siya.

“(Noong) December, buntis daw ako tapos January buntis din ako. Ta’s March buntis na naman? Jusko, three months na ‘kong naging buntis, so triplets pala ‘to?” punto ni Laure.

Wika ng athlete, minsan na niyang nilinaw ang mga kumakalat na balita pero muli siyang nagsalita para matapos na ang lahat.

“Ewan ko ba kasi talaga sa trip ninyo. Basta ako, I’ve been enjoying my life and resting my shoulder for S81. Been living nice and simple then makakabasa ako ng kung anu-ano,” aniya.

“Just to end everything, wala akong control sa isip ninyo kasi may kanya-kanya tayo. God bless na lang,” dagdag niya.

Loading...