Jillian Ward, ang bagong “Crush ng Bayan?”

Image from LionhearTV

Natatandaan n’yo ba ang cute na batang gumanap bilang si  Gertrudes “Trudis” Capili-Ferrerna sa drama-comedy TV series na “Trudis Liit” na ipinalabas sa GMA Network noong 2010?

Si Jillian Ward…limang taong gulang pa lang siya noong ginampanan niya ang role na “Trudis Liit.” Trese anyos na siya ngayon at nakamamangha ang transpormasyon niya.

Mula sa pagiging cute na bata, si Jillian ay isa na ngayong kaakit-akit na dalagita na ayon sa LionhearTV ay siya nang bagong “Crush ng Bayan.”

Sa mga larawan na ibinahagi ni Jillian sa kanyang Instagram account, makikita ang taglay niyang natural na kagandahan kahit walang bahid ng kolorete sa mukha. Ang kanyang kagandahan ay inahalintulad pa ng mga social media users kay Marian Rivera-Dantes na kasama niya sa TV series na Super Ma’am.

Ayon sa mga tagahanga, si Jillian ang isa sa mga inaasahang mapapabilang sa new breed ng mga leading ladies sa Philippine show business.

Narito ang ilang larawan ng nagdadalagang si Jillian:

Jillian 1

Jillian 3

Jillian 4

Jillian 2

 

Loading...