Si Jollibee, nagpa-part time na rin?

Image by Candia Rinald Mark Abastas via Facebook

Marami nang larawan ng mascot na si Jollibee ang nag-viral sa social media at karamihan dito ay kinagiliwan ng mga netizens.

Kung hindi man siya sumasayaw, minsan ay nakikia rin siyang tumutulong sa mga tao o kaya ay gumagawa ng mga nakatutuwa at nakatatawang bagay na patok sa social media.

Tulad na lamang ng larawan an ibinahagi sa Facebook kamakailan ng netizen na si Candia Rinald Mark Abastas kung saan ay makikita si Jollibee na tumutulong sa pagpinta ng pedestrian lane sa kalsada.

Ayon sa Pilipino Star, ang larawan ng tila “sideline” ni Jollibee ay kuha sa may Morayta sa harap ng isang unibersidad.

Ito naman ang ilan sa reaksiyon ng mga natutuwang netizen:

“Eto na sguro ung mascott na ndi mo pg iisipan ng nega. . npaka positive ng galaw, positive ng aura…kya nga “jolly” ehh…”

“Jusko!!!kaya d kita kayang ipagpalit sa iba kc napakabait mo, matulungin at higit sa lahat nagbibigay ka ng joy sa karamihan lab u #jollibee.”

“Juicekopo. Inaagawan mo na sila ng trabaho wala na silang sasahurin dahil syo hahahaha.”

“Dapat ikaw nlng dyan…para kung my tatawid ligtas sa disgrasya…”

Nagpa-part time na nga kaya si Jollibee, ano sa tingin ninyo?

Fact-checked against the following source(s) :

Facebook, Pilipino Star Ngayon