Karne pa more! Daga na nasa loob ng supermarket pinandirihan ng maraming netizens

Image capture from Mark Gil Tipo video via Facebook

Palagay ang loob ng mga mamimili sa loob supermarket na malinis at ligtas ang mga pagkaing maatagpuan dito.

Batid ng lahat na mahigpit sila pagdating sa food, service at cleanliness. Ngunit ano kaya ang iyong magiging reaksiyon kapag nakakita ka ng daga na ang kinakain mismo ay ang karne na ibinebenta sa loob ng supermarket?

Usap-usapan ngayon sa social media ang video ng isang daga sa loob ng isang supermarket.

Sa Facebook post ni Mark Gil Tipo, ibinahagi nito ang isang video na kitang kita ang isang daga na dinudukot ang isang karne at sabay kinain.

Ito ay may caption na:

“I found a Big Rat in the grocery freezer eating the Raw Chicken! I have already warned the supermarket about this incident and they said they will take concrete actions moving forward.

The intent and purpose of this video is to educate and remind people that such incidents are possible anywhere anytime.”

Hindi naman tukoy kung saang supermarket ito.

Ngunit layunin lamang ni Tipo na ipabatid ang mga ganitong klase ng pangyayari gayundin sa kinauukulan na agad itong aksiyunan.

Hindi naman maiwasang mandiri ng maraming netizens sa napanood na ito.

Tunghayan ang video:

Source :

Facebook

Loading...