Kasong ***** laban kina Kerwin Espinosa, Peter Lim at iba pa, ibinasura ng DOJ

Imahe kuha mula sa ABS-CBN News video

MAYNILA, Pilipinas – Tuluyan nang ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang maga kasong may kinalaman sa illegal ***** laban kin Kerwin Espinosa, Peter Lim at ilan pang indibidwal.

Ayon sa Inquirer, noon pang Disyembre 20, 2017 pinirmahan ng DOJ ang nasabing resolusyon subalit mistulang hindi ito kaagad isinapubliko.

Base sa resolusyon, wala umanong sapat na ebidensiya na naipresinta ang  Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para patunayan na sangkot nga sa ilegal na gawain sina Espinosa, Lim at iba pang akusado.

“Our law enforcement agencies shall gather more concrete and competent evidence proving that respondents and other individuals are indeed involved in illegal drug activities,” wika ng resolusyon.

Maliban sa dalawa, ibinasura din ng DOJ ang mga kaso laban kina  Peter Co, Marcelo Adorco, Max Miro, Lovely Impal, Ruel Malindangan, Jun Pepito, Jermy Amang at marami pang iba.

Ang naturang resolusyon ay inaprubahan ni Prosecutor General Jorge Catalan.

Si Espinosa ay umamin sa Senado na isa nga siyang drug lord nang mahuli ito ilang linggo matapos mapatay ang kaniyang ama na si dating Albuera, Leyte mayor Rolando Espinosa.

Si Peter Lim naman, na sinasabing naging kumpare pa umano sa kasal ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay isang negosyante sa Cebu at pinaniniwalaang drug lord sa Central Visayas.  Minsan na rin siyang nakipagkita noon kay Duterte para pabulaanan ang mga alegasyon laban sa kaniya.

Video ng kanilang naging pag-uusap noon:

Fact-checked against the following source(s) :

Inquirer, ABS-CBN News, GMA News, Pilipino Star Ngayon