Kontribusyon ni ‘Ka Freddie’ sa larangan ng sining, kinilala ng Senado

Image from Freddie Aguilar's Facebook account

MAYNILA, Pilipinas – Kinilala ng Senado ang mga naging kontribusyon ng batikang singer-composer na si Freddie Aguilar sa larangan ng sining at musika.

Ito ay matapos ipasa nitong Martes ang Senate Resolution No. 658 na inihain ni Senador Vicente “Tito” Sotto III para kilalanin ang panghabambuhay na naging ambag ni Aguilar sa sining at kulturang Pilipino.

“Aguilar is the only singer and composer who broke into the western market and gained massive global recognition, bringing pride and honor to our country. His unceasing nationalistic contribution to Philippine music and culture warrants recognition,” wika ng naturang resolusyon.

Ginawa nag pagbibigay ng parangal kay Aguilar ilang araw bago sumapit ang ika-40 taong anibersaryo ng pagrelease ng pinakasikat ng awit ng tanyag na singer – ang “Anak”.

“The 40th Anniversary of the release of this phenomenal song will be celebrated on March 18, 2018,” anang resolusyon ni Sotto.

Ang “Anak” ay ini-release sa 53 bansa sa buong mundo. Ito ay isinalin sa 29 iba’t-ibang wika, at mayroon mahigit 100 na bersiyon. Sa kasalukuyan, umabot na sa 33 milyon ang kopyang naibenta ng “Anak”.

“Billboard, the music industry standard record chart in the United States for singles, reported that the song was the number one in the United States for two weeks and a world hit of the 1980s. As of 2006, it was unsurpassed as the all-time highest-selling record of Philippine music,” dagdag pa ni Sotto.

Ayon pa sa senador, ginamit din ang “Anak” bilang theme song ng pelikula sa South Korea na “Gangnam Blues” noong 2015.

Maliban sa “Anak”, marami pang pinasikat na kanta si Aguilar tulad ng “Alaala”, “Pulubi”, “Bulag, Pipi at Bingi”, “Bayan Ko”, “Magdalena” at marami pang iba.

Loading...