Kuya Germs, itinuturing na best mentor ni Jak

Mga imahe mula sa Instagram accounts na @insideshowbiz at @jakroberto

Itinuturing daw ng Kapuso actor na si Jak Roberto si Kuya Germs bilang kanyang best mentor.

Ayon sa PEP, hanggang ngayon ay nananatili pa ring gabay ni Jak ang mga natutunan niya sa haligi ng industriya ng pag-arte.

“’Yong commitment mo sa trabaho, dapat hindi masira. ‘Yong galang mo at respeto sa co-actors. ‘Yong pagiging punctual,” ani Jak.

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

Wika ng aktor, buong buhay daw niyang ipagpapasalamat sa yumaong Master Showman ang lahat.

“Pumasok ako ng Walang Tulugan nang hindi nagpe-perform talaga. Hindi ako kumakanta sa maraming tao, kumakanta ako sa videoke lang, pero hindi gano’n kagaling. Hindi ako nakakasayaw. Hindi ako nakakapag-host. Si Kuya Germs ang nag-open ng pintuan para sa akin hanggang sa marating ko ‘to,” aniya.

Miss you Tay, remembering you on your 1st year in heaven. 🙏

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

Samantala, kung may natutunan man si Jak sa kanyang pananatili sa industriya, ito ay ang magkaroon ng mahabang pasensya at ang mahalin ang trabaho.

“Patience talaga. Marami talagang nag-aantay nang sobrang tagal bago nila makuha ‘yong project na ibibigay sa kanila. For me, hanggang ginagawa mo ‘yong trabaho mo nang maayos, mahal mo ‘yong trabaho mo, naniniwala ako na makukuha mo ‘yung right project para sa ‘yo,” wika ng aktor.

Thank you tatay Germs for this "Youth Achievement Award" #famasawards

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

Fact-checked against the following source(s) :

PEP, Intagram, Instagram, IG, IG