Lacson pinalagan ang pahayag ng  UN Human Rights chief na dapat sumailalim si Duterte sa ‘psychiatric evaluation’

Imahe mula sa RTVM

Pinalagan ni  Senador  Panfilo Lacson ang pahayag ng United Nations human rights chief na kailangan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumailalim sa “psychiatric evaluation.”

Ayon sa ulat ng GMA, sinabi ni Lacson na hindi katanggap-tanggap ang pahayag ni UN human rights chief Zeid Ra’ad Al Hussein, na isang mataas na opisyal, ang magsalita ng ganoon.

Coming from a high official of the United Nations, mukhang uncalled for, mukhang hindi nararapat lalo’t sa kanya nanggaling. Di ba dapat medyo mataas ‘yung level niya, lalo na’t sa edukasyon, sa demeanor at lahat?” ayon kay Lacson.

Matatandaang inihayag ni Zeid na dapat sumailalim si Duterte “psychiatric evaluation.”

Ani Lacson, “Mahigit labing-anim na milyon ang bumoto kay Pangulong Duterte at ‘yun ay bahagi ng ating demokrasya. Para mainsulto ng isang hindi naman natin kababayan, sa akin parang hindi nararapat.”

Kung sa tingin nila ay pambabastos ‘yung ginawa ng pangulo, at marami sa atin ganun din ang pananaw, e bakit naman nila gagawin ‘yung sa tingin nila ay maling pananalita? Saan sila lulugar nun?”

Para kay Lacson hindi dapat tumugon ng pang-iinsulto si Zeid kay Duterte.

Sinasabi nila mali. Pero sinasabi rin ba nilang tama ‘yung pang-iinsultong ginagawa ng pangulo kasi ganun din ang ginawa niya?”

Wika pa ng Senador,  may mga paraan upang maghain ng protesta sa naging pahayag ni Zeid.

Nauna nang inihayag ni Presidential spokesman Harry Roque na ang pahayag ni Zeid ay malaking insulto sa bansa.

Your language was not just an insult to the Filipinos, but to all countries who have democratically elected their heads of states,” ani Roque.

Binatikos din ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang pahayag ni Zeid; aniya:  “uncalled for.”

Samantala, sumang-ayon naman si Senador Antonio Trillanes IV sa pahayag ni Zeid na sumailalim sa psychiatric evaluation ang Pangulo.

His murderous and erratic ways plus his crass, twisted and perverted statements are indicative of a deeply sick mind,” ani Trillanes.

Hindi ‘yan normal na pag-iisip, lalo na ng isang Filipino,” dagdag pa nito.

Loading...