Lalaki tinadtad ang misis; fetus hinanap pa umano sa tiyan

Image from DF Balita Files

MAYNILA, Pilipinas  –  Isang malagim na kamatayan ang sinapit ng isang ginang nitong Linggo sa Quezon City matapos siyang ichop-chop ng kanyang sariling asawa mismo.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD) nagpapamasahe umano ang biktimang nakilalang si Heidi Estrera, 46 anyos, sa kanyang mister na si Orlando, 43, bago nangyari ang krimen.

Habang nagpapamasahe sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Holy Spirit, bigla na lamang daw pinagtataga ng lalaki ang kanyang asawa. Hiniwa pa umano nito ang tiyan ng biktima upang hanapin ang ‘fetus’ sa loob.

Bukod dito, tinanggal din ang suso ng babae at binalatan ang mukha. Pinagpuputol din ang dalawang braso at dalawang paa ng babae at pilit pa daw itong ipinapasok sa hiniwang tiyan habang pinagtatakan.

Nadiskubre ng mga batang naglalaro sa tabi nga kanilang bahay ang kalunos-lunos na krimen makaraan ang ilang oras.

Kuwento ng suspek, naging kambing daw ang tingin niya sa kanyang misis kaya niya ito pinagtataga. Hinanap din daw niya ang sanggol sa loob ng tiyan dahil sabi ng babae ay buntis ito kahit pa mayroong sakit na myoma.

Hindi naman kinakitaan ng pagsisisi ang suspek at sinabi pang ito daw “dapat ang ginagawa sa isang asawa”.

Narekober naman ng kapulisan ang kutsilyo at martilyo na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Samantala, ayon naman kay QCPD Director Guillermo Eleazar, hindi lamang dapat makulong ang suspek kundi dapat ding patingnan ang kalagayan ng utak nito at kung maaari ay ma-confine sa mental hospital.

Inihahanda na ang kasong parricide na isasampa laban kay Orlando na ngayon ay kasalukuyan nang nakakulong sa bilangguan.

Fact-checked against the following source(s) :

Bombo Radyo, RMN, Facebook