Liza, hindi pabor kay Joshua para sa close friend niyang si Julia?

Mga imahe mula sa Instagram account ni @lizasoberano at @garciajoshuae

Hindi ba pabor ang aktres na si Liza Soberano kay Joshua Garcia para sa kanyang close friend na si Julia Barretto?

Ayon sa PhilStar, magkakaibigan sina Soberano, Barretto, at Janella Salvador kung kaya’t hindi maiaalis na pinagmamalasakitan nila ang isa’t isa na parang magkakapatid.

Sa isang panayam, tinanong si Soberano tungkol sa relasyon niya kay Salvador at Barretto at sa mga ka-loveteam ng mga ito.

Kay Elmo Magalona na napapabalitang nobyo ni Salvador ay wala raw itong maipayo dahil daw smooth ang samahan ng mga ito.

The Way You Look Tonight #iRobYouVeryMaxx 😋

A post shared by Elmo Moses Arroyo Magalona (@elmomagalona) on

Samantala, may hiling daw siya kay Garcia. Sana raw ay huwag itong maging masyadong mahigpit at istrikto sa kaibigan niyang si Barretto.

Aniya, ini-enjoy lang daw ni Barretto ang kanyang kabataan at ang kasikatan sa kanilang trabaho.

Bilang magkakaibigan, kailanman ay hindi raw sila lalampas sa limitasyon.

Queen Of Hearts 👑

A post shared by JULIA LIZA JANELLA (@julia.x.liza.x.janella) on

Source :

PhilStar, Instagram, IG, IG

Loading...