Malacañang, siniguradong ‘di maaabuso ang subpoena power na iginawad sa PNP, CIDG

Imahe buhat sa Wikipedia

Sinigurado ng Palasyo na hindi maaabuso ng Philippine National Police (PNP) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang subpoena power na ibinigay sa kanila.

Kamakailan lamang ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Friday Republic Act No. 10973 upang ito’y maisabatas. Ito ay naggagawad ng kapangyarihan sa hepe ng PNP at CIDG director at deputy director for administration na magpanumpa at maglabas ng subpoena at subpoena duces tecum para sa pag-iimbestiga

Samantala, nagbabala si Human Rights Watch (HRW) researcher Carlos Conde na maaaring abusuhin ito ng kapulisan.

Batay sa isang artikulo ng Manila Bulletin, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang media briefing na ang claim ng HRW ay walang basehan dahil ang Konstitusyon ay pinoproteksyunan na ang mga mamamayan mula sa mapang-abusomng paggamit ng mga subpoena.

“Meron naman tayong mga umiiral na batas kapag inabuso itong ganitong kapangyarihan. So kung talagang walang dahilan mag-subpoena, puwede naman pong kuwestyunin ‘yan sa pamamagitan ng certiorari; arguing that it is whimsical, capricious,” paliwanag niya.

“Hindi naman po sila mag-oorder ng pagkakakulong. Kapag hindi po sinunod ang subpoena, kinakailangan pa magsampa sa hukuman ng isang petisyon for indirect contempt,” dagdag pa ni Roque.

Pagpapaliwanag ni Roque, ang RA10973 ay magbibigay umano ng pag-asa doon sa mga napagkaitan na ng hustisya. Aniya pa, tutulong din daw ito sa pagpapabilis ng pagresolba sa mga kaso.

“This will add more teeth on their mandate to enhance the law and find solution to the criminal cases,” saad niya. [Ito ay magbibigay pangil sa kanilang mandato na mapag-igi ang batas at makahanap ng solusyon sa mga kasong kriminal.]

Loading...