Manual recount sa VP poll protest, muling naurong sa Abril

Images from DF Balita Files

MAYNILA, Pilipinas  –  Muling ipinagpaliban ng Korte Suprema, na siyang tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) ang manual recount sa isinampang electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Bise Presidente Leni Robredo.

Nakatakda na sanang simulan sa darating na Marso 19 ang nasabing proseso, subalit muli itong inuring ng PET sa Abril 2, ayon sa mga abogado ng magkabilang kampo.

Ayon kay Atty. Beng Sardillo, isa sa mga abogado ni Robredo, na-postpone ang manual recount dahil patuloy pa ring inihahanda ang ‘logistics’ na kakailanganin dito.

“We expect to be called for another meeting soon to finalize arrangements. We trust the PET in these proceedings as it is in our best interest to finish this protest to quash any doubt about the choice of the Filipino people and the victory of Vice President Leni Robredo,” wika ni Sardillo sa isang text message na ipinadala sa mga mamamahayag.

Kinumpirma rin ito ng kampo ni Marcos.

“Unfortunately for us, yes postponed again. Reason of PET is only 42 of the 50 revisors have qualified/passed the psychological exam,” wika naman ng abogado ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na inurong ang petsa ng manual recount na una nang itinakda noong Pebrero bago inurong sa kasalukuyang buwan.

Ayon pa sa kampo nina Marcos at Robredo, ipinatawag umano sila ng PET nitong Martes para ipaalam ang pinakahuling pagbabago sa schedule.

Loading...