Mark, aminadong nilayuan ng ilang mga kaibigan matapos umaming bisexual siya

Imahe mula sa Instagram account ni @iammarkbautista

Aminado ang singer na si Mark Bautista na may mga taong dumistansiya sa kanya pagkatapos niyang aminin sa kanyang autobiography na Beyond The Mark na isa siyang bisexual.

Ayon sa PEP, inihanda na rin daw niya ang kanyang sarili sa ganitong pangyayari.

“Na-prepare ko rin ang sarili ko sa mga ganung bagay. Kasi, ‘yun ‘yung isa sa mga fears mo na kapag nilabas mo ito, marami talagang magdi-distance sa ‘yo. Maraming… alam mo ‘yun, hindi pabor sa ‘yo. So, hinanda ko ‘yung sarili ko doon. So I was prepared,” ani Bautista.

Hindi niya raw pinagsisisihan ang kanyang paglantad dahil ito raw ay nagpagaan ng kanyang pakiramdam.

“Nakakatulog ako nang maayos, alam kong wala akong ginawang masama, and malinis, maayos ang intensiyon ko,” paliwanag niya.

Masaya umano siya sa kanyang istado ngayon matapos siyang maglantad.

“Masaya naman ako. Busy ako promoting my book. Ine-enjoy ko lang yung moment after releasing the book… na parang, you know, ang daming nagko-connect sa akin, nakaka-relate sila sa story,” aniya.

Loading...